Compostela, Cebu – Tinatayang nasa Php6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cebu PNP nito lamang Martes, ika-06 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rommel J Ochave, Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si Erick Cabije Cabalda, 27, residente ng Concepcion Riverside, Brgy. Pasil, Cebu City at kilalang involved sa ilegal na droga partikular sa pagbebenta ng shabu sa naturang lugar.
Ayon kay PCol Ochave, naaresto ang suspek bandang 4:15 ng hapon sa Purok Talisay Brgy. Estaca, Compostela, Cebu sa magkatuwang na operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) kasama ang Compostela Municipal Police Station, NAVFORCEN at Regional Drug Enforcement Unit 7.
Nakuha sa naturang suspek ang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na (SDP) Php6,800,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Cebu Police Provincial Office sa pagsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga upang mabigyan ang ating mga kababayan ng isang maayos na pamayanan at makamit ang kapayapaan.
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio