Tinatayang Php6,810,880 halaga na hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Station 2 sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang ika-30 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Salvador N Radam, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jen”, 40 anyos, at si alyas “Rolan”, 41 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.
Sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Station 2 – Drug Enforcement Unit ay nakumpiska ang 29 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 1,001.60 na gramo at tinatayang Php6,810,880 ang halaga; tatlong knot tied plastic na hinihinalang shabu at isang Ph1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Cagayan de Oro City PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga at anumang krimen upang mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad.