Nasabat ang tinatayang Php6,800,000 halaga ng shabu, habang arestado ang tatlong lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte nito lamang ika-6 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Esmael Madin, Hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Isko”, alyas Tom” at alyas “Usop”.
Ayon kay PLTCol Madin, sa ilang linggong isinagawang surveillance o pagmamanman ng mga otoridad ng Sultan Kudarat MPS laban sa mga suspek, bandang 4:00 ng hapon ng nasabing petsa matagumpay na naaresto ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang isang kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php6,800,000, isang unit ng Ford Ranger vehicle, identification cards at buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.
Patuloy ang Sultan Kudarat PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra sa ilegal na droga alinsunod sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr., tungo sa Bangong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui