Nasabat ang tinatayang Php6,800,000 halaga ng hinihinalang shabu sa mag-asawang High Value Individual sa isinagawang joint drug buy-bust operation sa Barangay Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong ika-9 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Email Madin, Chief ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Oks”, 48 anyos at ang asawang si alyas “Bella”, 42 anyos, pawang residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang naturang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga kapulisan ng Sultan Kudarat MPS katuwang ang Datu Odin Sinsuat MPS na nagresulta sa pagkakasabat ng isang kilong ilegal na droga na isinilid sa plastic Chinese Tea Bag na tinatayang nagkakahalaga ng Php6,800,000 at pagkabawi ng Php800,000 na buy-bust money at iba pang non-drug evidence.
Inihanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang isasampa laban sa mag-asawa.
Patuloy ang Maguindanao del Norte PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui