Malabang, Lanao del Sur – Arestado ang isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng PNP na nagresulta sa pagkakasabat sa Php6,800,000 halaga ng shabu nito lamang Miyerkules, Hunyo 1, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Randy Peralta, Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang suspek na si Alraje A Pagayawan, 27, may asawa, residente ng Brgy. Tuboc, Malabang, Lanao Del Sur.
Ayon kay PBGen Peralta, bandang 5:45 ng hapon nang naaresto Pagayawan sa Brgy. Cabasaran, sa kahabaan ng Narciso Highway harap ng Ressan Midway Resto, Malabang, Lanao del Sur ng mga operatiba ng Special Operations Unit 10 ng PNP DEG kasama ang Marine Battalion Landing Team 2, Malabang Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM.
Ayon pa kay PBGen Peralta, nakuha mula sa suspek ang mahigit kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php6,800,000; cash money na nagkakahalaga ng Php783 at ang ginamit na buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay mas pinaigting pa ang kampanya laban sa ilegal na droga sa tulong at suporta ng mamamayan upang makamit ang drug free na bansa.
###
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz