Nasamsam ang tinatayang Php6.8 milyong halaga ng shabu mula sa apat na High Value Target sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay San Roque, Zamboanga City bandang 12:40 ng tanghali nito lamang Marso 6, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Roel C Rodolfo, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang mga suspek na sina alyas “Eldrian”, 20, construction worker; alyas “Jason”, 39, Habal-habal driver; alyas “Al”, 36, Habal-habal driver; at alyas “Ella”, 42, kuliglig driver, pawang mga residente ng naturang barangay.
Matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng PDEA RO9’s Regional Special Enforcement Team, Zamboanga City Drug Enforcement Unit, at Zamboanga City Investigation Unit (CIU).
Nasabat sa operasyon ang 1,000 gramo ng pinaghihinalang shabu na may estimated market value na Php6,800,000, 10 bundles ng boodle money, white Tecno Spark cellphone, Honda Wave 100 motorcycle, at blue Rusi tricycle.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165, na mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. Mas pinalakas ng PNP at PDEA ang kampanya sa iligal na droga upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at masiguro ang magandang kinabukasan ng ating mga kabataan na pag-asa ng ating bayan