Nasabat ang Php6,800,000 halaga ng shabu mula sa naarestong High Value Individual sa ikinasang operasyon ng Lanao del Sur PNP sa Barangay Marawi Poblacion, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-31 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Colonel Robert S. Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Gab”, 64 anyos, at residente ng Barangay Dilausan, Poona Bayabao, Lanao del Sur.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng Lanao del Sur PNP, katuwang ang 1403rd RMFC RMFB14-A, Provincial Drug Enforcement Unit ng Maguindanao del Norte, at Regional Drug Enforcement Unit BAR.
Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php6.8 milyon, Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang milyong tig-isang libong pisong pekeng pera, at dalawang identification cards.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri naman ni PCol Daculan ang dedikasyon at propesyonalismo ng mga kapulisan na nagbunga sa isang matagumpay na operasyon at para sa kanilang walang humpay na pagsisikap na gawing drug-free ang Lanao del Sur.
Panulat ni Pat Veronica B Laggui