Daet, Camarines Norte – Tinatayang Php6,800,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek na napatay sa buy-bust operation ng PNP at PDEA madaling araw ng Sabado, Abril 16, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arnel De Jesus, Chief of Police ng Daet Municipal Police Station, ang napatay na suspek na si Merlito Senaon Bayta, Jr., 37, binata, magsasaka, kabilang sa High Impact Operation (HIO) ng PNP at residente ng Canlubang St., Zone 3, Barangay San Juan, Baao, Camarines Sur.
Ayon kay PLtCol De Jesus, bandang 1:20 ng madaling araw aarestuhin sana ang suspek ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company, Daet Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 5 ngunit nagkaroon ng armadong komprontasyon na sanhi ng pagkamatay ng suspek.
Ayon pa kay PLtCol De Jesus, isugod sana ng operating team ang suspek sa Camarines Norte Public Hospital para sa agarang lunas subalit idineklara na itong wala ng buhay.
Dagdag pa ni PLtCol De Jesus, nakumpiska sa suspek ang isang pirasong malaking transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1,000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php6,810,000, Php1,000 peso bill na ginamit bilang marked money kasama ang boodle money, isang Taurus PT1911 caliber 45 pistol na may serial number na 516258, pitong piraso ng basyo ng bala, isang black Honda Click MC, isang white helmet, isang black paper bag, isang black Samsung Cellphone at isang black sling bag na may tatak na adidas.
Patuloy ang mga operating team ng Camarines Norte sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga para maiwasan ang paglaganap sa lugar at upang magkaroon ng maayos at tahimik na buhay.
Source: Daet MPS
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao