General Trias, Cavite – Tinatayang Php6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng kapulisan ng Cavite nitong Miyerkules, Marso 23, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Randy Peralta, Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang mga suspek na sina Eman Mabandus Bongcarawan, alyas Eman, 29; Norhanah Didaagun Dirampatin alyas Ada; Nur-Laila Alonto Capatagan alyas Laila, 20; pawang mga walang trabaho at mga residente ng Lot 179, Block 10, Trogon Street, Westwood Phase 1, Pasong Camachile 1, Gen Trias City, Cavite habang si Noralyn Macalangan, alyas Madam Tisay naman ay kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga alagad ng batas.
Ayon kay PBGen Peralta, bandang 10:30 ng gabi naaresto ang mga suspek sa nasabing barangay sa pinagsanib na puwersa ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operation Unit 4A at General Trias Municipal Police Station.
Ayon pa kay PBGen Peralta, nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang isang kilong white crystalline substance na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php6,800,000 at isang Php1,000 bill na ginamit bilang boodle money.
Kabilang din sa nakumpiska ang isang unit Nokia cellphone analog color black, isang brown shoulder bag na naglalaman ng pink wallet na may Identification Card ni Nur-Laila Alonto Capatagan, isang brown wallet na may lamang Identification Cards ni Eman Mabandus Bongcarawan at isang brown shoulder bag na naglalaman ng Identification Cards ni Norhanah Didaagun Dirampatin.
Hinihikayat ng Pambansang Pulisya ang mga mamamayan na patuloy sa pakikiisa at pakikipagtulungang sugpuin ang mga ilegal na droga sa bansa para mahuli ang mga tulak o gumagamit nito at maiwasang dumaming buhay ang malilihis ng landas.
###
Police Executive Master Segeant Joe Peter V Cabugon
Saludo tayo s mga kapulisan