Taguig City — Umabot sa Php6.8 milyong halaga ng droga ang nasabat sa dalawang lalaking miyembro ng Yang Drug Group at isang babaeng pinay sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office nito lamang Lunes, Pebrero 13, 2023.
Kinilala ni PMGen Jonnel C Estomo, Regional Director ng NCRPO, ang mga suspek sa pangalang Kun Yang, 26; at Yang Tao, 29 na parehong Chinese National at nakalista bilang High Value Individual at alyas “Nina/Trixie”, 18.
Ayon kay PBGen Estomo, bandang 10:30 ng gabi ng nasabing petsa, nagsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang mga operatiba ng RDEU kasama ang Taguig at Pasay Station Drug Enforcement Unit sa loob ng parking lot ng The Fort Strip, Fort Bonifacio, Taguig City.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang 1 kilo ng hinihinalang shabu na inilagay sa isang dilaw at berdeng plastic tea bag na may mga Chinese character; Php1,200,000 na boodle money.
Nasamsam din ang self-sealing transparent plastic sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon at fruiting top na hinihinalang marijuana na tinatayang 9.5 grams; isang self-sealing na maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng 62 piraso ng maliliit na pulang bilog na tableta at 38 piraso ng maliliit na pink round table na pinaghihinalaang Chinese Magoo/MAGU; isang silver grey na Mitsubishi Montero na may plate no. na NAP 4683; at isang unit ng silver-gray na Mitsubishi Mirage na may conduction sticker na Y1 U357
Ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay may kabuuang halaga na Php6,814,250.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mabilisang aksyon ng NCRPO ay bahagi ng programang SAFE NCRPO ni PMGen Estomo para matugis ang mga nagbebenta at gumagamit ng mga ilegal na droga upang makamit ang ligtas at tahimik na komunidad.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni: PSSg Remelin M Gargantos