Cebu City– Umabot sa mahigit Php3.6M na halaga at 15,800 na tangkay ng halamang marijuana ang sinira at sinunog ng Cebu City PNP nito lamang Sabado, Abril 9, 2022 sa Barangay Adlaon, Cebu City.
Ayon kay PLtCol Chuck Maghanoy Barandog, Force Commander CMFC, CCPO, ang matagumpay na aksyon ng kapulisan ay resulta ng tatlong araw na Minor ISO/Law Enforcement Operation na kaugnay sa Regionwide SACLEO ng PNP.
Ayon pa kay PLtCol Barandog, natunton ang taniman ng nasabing halaman bandang 11:30 ng umaga matapos kumpirmahin ang ulat na natanggap ng mga awtoridad na agad na binigyang tugon ng mga miyembro ng CMFC, CDEU, CIU, Police Station 8, Operatives of NAVFORCEN 7, at Barangay Officials ng Brgy. Tagba-o, Cebu City.
Dagdag pa ni PLtCol Barandog, nasa mahigit 15,800 na tangkay ng halamang Marijuana ang agad na sinira ng pulisya na tinatayang umaabot ang halaga sa Php6,336,000.
Wala namang naaresto sa nasabing operasyon, ngunit iniimbestigahan na ng Cebu PNP ang indibidwal na pinaghihinalaang nagpapatakbo ng nasabing plantasyon.
Ang operasyon na muling napagtagumpayan ng pulisya ay patunay sa mabisa at epektibong pamamaraan ng PNP upang lutasin ang problema sa ilegal na droga, maging ang iba’t ibang uri ng kriminalidad sa nasabing lugar.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Great job thanks PNP