Zamboanga City – Tinatayang nasa Php6,230,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa karagatan ng Manalipa Island, Zamboanga City nito lamang Sabado, Hunyo 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang pitong suspek na sina Benzar Jajales, Pajing Muknan, Binbin Asiril, Elnejin Asiril, Minkadra Sakili, Sherwin Masakin at Adzmir Bakki.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 4:46 ng madaling araw nang naaresto ang pitong suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Company, Bureau of Customs, CISS at ng mga operatiba ng Regional Special Operating Unit 9, Bureau of Customs, CIIS at ESS.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa pitong suspek ang 104 cases ng Fort White, 67 cases ng Astro Red at 7 cases ng New Far Red na mga smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php6,230,000 at walang kaukulang dokumento.
Ang nasabing smuggled cigarettes ay lulan ng motorized wooden craft na mas kilala sa tawag na “Jungkong”.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang kampanya laban sa mga gustong magpuslit ng mga smuggled cigarettes. Ito ang resulta sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas sa lahat ng entry at exit point sa ating bansa dahil sa kooperasyon ng mga mamamayan na kaagapay sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ating pamayanan.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz