Nasabat ang tinatayang Php594,456 halaga ng hinihinalang shabu mula sa Top 9 Regional High Value Drug Personality sa isinagawang buy-bust operation sa Buhangin Cabantian Road, Davao City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 13, 2024.
Kinilala ni Police Captain Ruel Dionela, Officer-In-Charge ng Buhangin Police Station, ang suspek na si alyas “Gemar”, 25 anyos at residente ng Purok 22-A, Barangay Leon Garcia, Agdao, Davao City.
Narekober mula sa suspek ang humigit kumulang 87.42 na gramo ng hinihinalang shabu at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Layunin ng Davao City PNP na hindi lamang sugpuin ang kriminalidad, kundi lumikha ng isang mas ligtas at mas maayos na kapaligiran na magsisilbing pundasyon para sa patuloy na pagsulong ng bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino