Timbog sa anti-illegal drug operation ng Baliok Police Station (PS17) ang dalawang indibidwal at nakumpiska ang tinatayang 84.1 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na Php571,880 nito lamang Hunyo 17, 2025 bandang 8:35 ng gabi sa Phase 2, Gulfview Subdivision, Barangay Bago Aplaya, Davao City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Kols”, 29 anyos, isang tricycle driver mula Barangay Lapu-Lapu, South Bay, Agdao, Davao City na itinuturing na Top 1 City Drug Personality at si alyas “Julito”, 29 taong gulang, isang delivery rider mula Nograles Street, Barangay Bucana, Davao City.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang impormasyon na may kaugnayan sa ilegal na droga upang mas mapalakas pa ang kampanya kontra kriminalidad sa lungsod.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino