Davao City – Tinatayang Php560,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng PNP sa isinagawang buy-bust operation, noong Hulyo 5, 2022.
Kinilala ni PMaj Reuben Liberia, Chief ng Special Operation Group/City Drug Enforcement Unit, ang suspek na si Lilian Libres Garan, 53, residente ng Purok Santol, Brgy. La Filipina, Tagum City, Davao del Norte na tinaguriang Top 4 High Value Individual sa regional level.
Ayon kay PMaj Liberia, naaresto ang suspek sa Brgy.74-A, Davao City ng pinagsamang tauhan ng SOG/CDEU; City Intelligence Unit; City Mobile Force Company katuwang ang Regional Intelligence Unit 11 at pakikipag-ugnayan sa Talomo Police Station
Dagdag pa ni PMaj Liberia, nakuha mula sa suspek ang 7 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 35 gramo na may street market value na Php560,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 at Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakadakip sa mga HVI sa lungsod ay bunga ng pagsisikap at serbisyong tapat ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara