Davao City – Tinatayang Php560,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Top 5 High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP, nito lamang Miyerkules, Hunyo 1, 2022.
Kinilala ni PMaj Reuben Libera, Chief, Special Operation Group/City Drug Enforcement Unit Davao City Police Office, ang suspek na si Ramel Lumna alyas “Ramil”, 18, residente ng Brgy. Bulit, Pagagawan, Maguindao at tinaguriang Top 5 High Value Individual sa Regional Level.
Ayon kay PMaj Libera, naaresto si Lumna sa Prk. 13, Brgy. Sirawan, Davao City, ng mga tauhan ng SOG/CDEU; Regional Intelligence Unit 11 (RIU); City Intelligence Unit (CIU); City Mobile Force Company (CMFC) at Toril Police Station.
Dagdag pa ni PMaj Libera, nakuha sa suspek ang walong malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 35 gramo na may street market value na Php560,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip sa HVI sa lungsod na makatutulong upang makamit ang kanilang layunin na gawing drug free ang Rehiyong Onse.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara