Nakulimbat ng kapulisan ang mahigit kalahating milyon halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operaton ng Iloilo City Police Station 9 sa Barangay Simon Ledesma, Jaro, Iloilo City nito lng ika-29 ng Hulyo 2024.
Kinilala ang dalawang naaresto na si alyas “Darwin”, 28 anyos, walang asawa at si alyas “Leo”, 24 anyos, walang asawa at parehong residente ng Barangay Simon Ledesma, Jaro, Iloilo City.
Narekober mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet, 10 heat-sealed transparent plastic sachets, Php6,000 na buy-bust money kabilang ang isang Php100 genuine bill na may serial number na JL793989 at iba’t ibang non-drug items.
Ang mga nakumpiskang pinaghihinalaang shabu ay may timbang na humigit kumulang 80 gramo na may Standard Drug Price na tinatayang Php544,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang dedikasyon at determinasyon ng Iloilo City PNP na sugpuin ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga ay nagpapakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan tungo sa mas ligtas na Western Visayas.
Source: Iloilo City Police Station 9
Panulat ni Pat Ryza Valencia