Friday, April 25, 2025

Php544K halaga ng shabu nasabat mula sa dalawang High Value Individual

Nasabat ang Php544,000 halaga ng shabu mula sa dalawang High Value Individual sa isinagawang PNP buy-bust operation sa Barangay Zone 4, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Marso 13, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Amor Mio I Somine, Hepe ng Koronadal City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Mark”, 43 taong gulang, may asawa, walang trabaho at si alyas “Joeffrey, 35 taong gulang, isang baker na kapwa mga residente ng Koronadal City.

Naaresto ang mga suspek sa isinagawang joint buy-bust operation ng Koronadal CPS, Koronadal CPS Intel Operatives, at mga operatiba ng South Cotabato Provincial Mobile Force Company at Regional Intelligence Division 12.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 80 gramo at nagkakahalaga ng Php544,000 at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nagpaalala naman si PLtCol Somine na tigilan na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at huwag ng subukan ang mga ganitong aktibidad para maiwasan ang pagkasira ng buhay at kinabukasan ng bawat isa.

Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting ng kanilang operasyon kontra ilegal na droga katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan para makamit ang isang matiwasay, maunlad at drug-free na komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,510SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles