Leyte – Tinatayang Php544,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba sa Brgy. Damulaan, Albuera, Leyte, nito lamang Hunyo 3, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Angelica Starlight Rivera, Officer-in-Charge ng PDEG-SOU 8, ang suspek na si alyas “Eti”, 59, residente ng Brgy. Damulaan, Albuera, Leyte at kabilang sa listahan ng High Value Individual.
Bandang 11:30 ng gabi ng isinagawa ang operasyon ng pinagsamang mga operatiba ng PDEG-SOU 8 sa pangunguna ni Police Lieutenant Jose Rodel Villaruel kasama ang Albuera MPS – SDEU, Leyte PPO, CIT Ormoc RIU 8 at PDEA 8.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga piraso ng heat-sealed transparent sachet na pinaghihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 80 gramo na may tinatayang market value na Php544,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Article II sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinitiyak naman ng Leyte PNP at PDEA 8 na patuloy pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng ipinagbabawal na droga sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong komunidad.