Nakumpiska ang tinatayang Php540,000 halaga ng smuggled cigarettes ng mga awtoridad sa baybaying bahagi ng Brgy. Kraan, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang umaga ng Enero 10, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Offoe 12, nakatanggap ng tip ang Palimbang PNP mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga nakatambak na kahon ng mga sigarilyo sa nasabing lugar.
At dahil sa agarang pagresponde ng mga tauhan ng Palimbang PNP, Sultan Kudarat Provincial Intelligence Unit, at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, ay kanilang naabutan ang mga abandonadong kahon-kahong smuggled na sigarilyo.
Nabatid na aabot sa 45 na kahon ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php540,00 ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Hinihikayat naman ng Palimbang PNP ang mamamayan na ganap na makipagtulungan sa kanilang isinasagawang imbestigasyon para matukoy at mapanagot ang mga taong sangkot sa ilegal na gawain.
Panulat ni Patrolwoman Rhesalie Umalay