Lower Bicutan, Taguig City — Tinatayang Php512,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek kabilang ang isang High Value Individual (HVI) sa PNP buy-bust nito lamang Lunes, Abril 11, 2022.
Kinilala ni District Director Police Brigadier Jimili Macaraeg ng Southern Police District ang suspek na sina Irene Igban y Erlano (HVI), 40; Joenorie, 30, vendor; at Paul Edel Reyes y Pastor alyas “Paul”, 18.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong 4:05 ng hapon nahuli ang mga suspek sa Roldan St. Brgy. New Lower, Taguig City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit-SPD, DID at DMFB.
Nakumpiska sa mga suspek ang labing tatlo na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 76.7 gramo at may Standard Drug Price na Php521,560, Php500 na ginamit bilang buy-bust money, at isang coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, sa ilalim ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Macaraeg ang operating unit sa pagkakadakip sa mga suspek at pagkakakumpiska ng mahigit kalahating milyong halaga ng ilegal na droga. Ang matagumpay na resulta ng operasyon ay nagpapatunay sa reinvigorating effort ng Southern Metro Police sa banta ng droga sa ating bansa.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos
Congrats PNP husay talaga
👍🏻