Quezon – Tinatayang Php520,200 na halaga ng shabu ang nasabat sa isang Street Level Individual (SLI) sa ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Candelaria Municipal Police Station sa Purok 4, Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon bandang 2:00 ng madaling araw nito lamang Martes, Pebrero 7, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Marvin”, 26, residente ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.
Narekober sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25.5 gramo na nagkakahalaga ng tinatayang Php520,200 at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11, ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Hindi titigil ang kapulisan sa pagsugpo ng ano mang uri ng kriminalidad. Sama sama at tulong tulong ang kapulisan at pamayanan sa pagkamit ng payapa at maunlad na komunidad”, pahayag ni PCol Monte.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A