Capiz – Nasabat ang higit sa Php500,000 na halaga ng shabu sa isinigawang buy-bust operation ng Capiz Police Provincial Drug Enforcement Unit sa Brgy. Bato, Panay, Capiz nito lamang ika-10 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Gary Diaz, Officer-In-Charge ng Panay MPS, ang suspek na si Michael Concepcion Abaracoso, 33, residente ng Brgy. IX, Roxas City na naitala bilang isang High Value Individual.
Ayon kay PLt Diaz, naaresto ang subject person sa pinagsanib na pwersa ng Capiz Police Provincial Drug Enforcement Unit, Station Drug Enforcement Team ng Panay MPS at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Office 6.
Nahuli si Abaracoso matapos itong magbenta ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang police poseur buyer kapalit ang Php7,000.
Narekober sa kanya ang 15 pakete na naglalaman ng puting crystalline substance ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na 76 gramo at may Standard Drug Price na Php516,800 at ibang non-drug items.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dagdag pa, dati ng nakulong ang naturang subject person sa parehong kaso ngunit nakalabas noong 2019.
Patuloy ang Capiz PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para sugpuin at matigil ang pagkalat ng ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.