Tinatayang nasa Php516,800 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang suspek sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Kalilangan MPS katuwang ang Provincial Intelligence Unit,1004th RMFB 10 at PDEA 10 sa Purok 2, Barangay Maca-opao, Kalilangan, Bukidnon nito lamang ika-29 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Captain Romeo M Arcilla, Hepe ng Kalilangan MPS, ang dalawang suspek na sina alyas “Lito”, 29 anyos at si alyas “Greg”, 19 anyos, pawang mga residente ng P-3, Calaocalao, Don Carlos, Bukidnon.
Sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Kalilangan Municipal Police Station ay nag-resulta sa matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek at pagkakakumpiska ng 76 na gramo na may tinatayang Php516,80 halaga; isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon, isang mobile phone at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng PNP alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang sinumpaang tungkulin para sa ligtas, maunlad, at mapayapang Bagong Pilipinas.