Balik kulungan ngayon ang isang High Value Individual matapos makuhanan ng Php510,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Bacolod City PNP sa Purok Magti-ayon, Barangay 10, Bacolod City, bandang 9:30 ng gabi, nito lamang ika-8 ng Pebrero 2024.
Ang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Bacolod City Police Office, Police Station 2, na pinamumunuan ni Police Captain Glen E Montaño, Officer-In-Charge.
Kinilala ni PCpt Montaño, ang suspek na si alyas “Jess”, 24 taong gulang, residente ng Purok Matig-ayon, Barangay 10, Bacolod City.
Ayon kay PCpt Montaño, dati ng nakulong ang nasabing suspek sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at nakalabas lang dahil sa plea-bargaining agreement.
Ayon pa kay PCpt Montaño, nakuha kay alyas “Jess” ang 15 heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 75 gramo na nagkakahalaga ng Php510,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ng Bacolod City PNP ay nagpapakita ng kanilang determinasyon sa pagsugpo at paglaban kontra sa ilegal na droga na naaayon sa progama ng ating kasalukuyang admimistrasyon na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program.