Cagayan de Oro City – Sa kulungan ang bagsak ng 44-anyos na lalaki matapos mahulihan ng higit sa kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Station 8 sa PN RO, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City nito lamang Enero 26, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang suspek na si alyas “Iriel” , 44, at residente ng naturang siyudad.
Nakumpiska mula sa operasyon ang 75 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakalahaga ng Php510,000, isang motorsiklo at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang supek sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang naturang operasyon ay kaugnay sa One-Time-Big Time na naglalayon masugpo ang ilegal na droga at iba pang krimen upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10