Las Piñas City – Nasakote sa joint buy-bust operation ng Southern Police District ang tinatayang Php510,000 halaga ng shabu sa dalawang suspect nito lamang Martes, Enero 23, 2024.
Kinilala ni PBGen Mark Pespes, District Director ng SPD, ang suspek na sina alyas “Kim”, 22 taong gulang na nakalista bilang High Value Individual (HVI)/pusher, at si alyas “Emy”, 50 taong gulang.
Ayon kay PBGen Pespes, naganap ang nasabing operasyon sa pinagsanib puwersa ng mga elemento ng DDEU-SPD, DID-SPD, DMFB-SPD, PDEA-SDO, at SDEU Las Piñas CPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek bandang 7:10 ng gabi.
Nakumpiska rin sa joint operation ang dalawang knot-tied transparent plastic bag at isang heat-sealed transparent plastic sachet na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 75 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php510,000.
Bukod rito, nasamsam din ang isang tunay na Php1,000 na may kasamang 30 piraso na pekeng Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money; isang Android na cellphone at isang digital weighing scale.
Paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga naarestong suspek.
Ang matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek ay dahil sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa distrito upang makamit ang mapayapang komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos