Camarines Norte – Tinatayang nasa Php510K halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki na kabilang sa listahan ng High Value Individual sa buy-bust operation ng Camarines Norte PNP sa Purok 2, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte nito lamang Marso 11, 2023.
Kinilala ni Police Major Aj Ace Flores, Hepe ng Jose Panganiban Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mar”, 22, binata, residente ng Zone 4, Barangay Sta. Rosa Del Sur, Pasacao, Camarines Sur at si alyas “Sam”, 32, binata, minero at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMaj Flores, naaresto ang mga suspek bandang 11:20 ng tanghali ng pinagsanib na mga operatiba ng Jose Panganiban MPS at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong piraso ng plastik na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 75 na gramo at may street value na Php510,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagsagawa ng ganitong mga operasyon upang matuldukan na ang pagkalat ng ilegal na droga sa ating komunidad.
Source: Camarines Norte Police Provincial Office – Pulis Bantayog