Jose Abad Santos, Manila – Tinatayang Php510,000 ang nakumpiska sa apat na suspek sa buy-bust operation ng Jose Abad Santos Police Station nito lamang Linggo, Marso 20, 2022.
Kinilala ni PBGen Leo Fransisco, District Director ng Manila Police District ang mga suspek na sina John Paul Varona y Pagudar alyas John Paul (Watchlisted-High Value Individual); Angela Quirimit y Guiterrez (Watchlisted), Regina Garino y Ma, 50; at Shirly Nicolas y Acosta.
Ayon kay PBGen Francisco, bandang 7:00 ng umaga naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng T. Mapua St. Tondo, Manila ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Jose Abad Santos Police Station sa pamumuno ni PLt Joan Dorado.
Ayon pa kay PBGen Francisco, nakumpiska sa kanila ang pitong piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachets at isang pirasong large heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 75 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php510,000.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Ang himpilan ng pambansang pulisya ay hindi tumitigil sa hangarin nitong tuldukan at wakasan ang mga krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga at ang pagpapanatili sa kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.
###
Mabuti nman nahuli kayo husay talaga ng mga alagad ng batas