Cagayan de Oro City – Tinatayang Php510,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 10 na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek sa Zone 3, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City nitong madaling araw ng Martes, Setyembre 12, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang naarestong suspek na si alyas āKimā, 39, residente ng nabanggit na lugar.
Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php510,600, isang cellphone, drug parahernalia, weighing scale, at Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang PNP sa pagsugpo sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris