Cebu City – Aabot sa higit kalahating milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng kapulisan mula sa drug suspek na nahuli sa buy-bust operation na ikinasa madaling araw nitong Biyernes, Oktubre 13, 2023 sa Sitio San Miguel Brgy. Apas, Cebu City.
Sa pangunguna ng mga tauhan ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office sa pangangasiwa ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, ang suspek sa operasyon na si “John Ray”, 29 anyos ay naaresto matapos mapagbentahan ng droga ang police poseur-buyer.
Nasamsam mula rito ang nasa 75 gramo ng hinihinalang shabu na aabot nag halaga sa Php510,000.
Nabatid na ang suspek ay napabilang sa talaan ng Top 10 Priority Target sa rehiyon.
Nakakulong na ang naaresto sa Custodial Facility ng CCPO habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa laban dito.
Bahagi ang matagumpay na operasyon sa pagpapaigting ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lungsod.