Tinatayang Php500,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa isinagawang anti-smuggling operation sa Purok Palayan, Brgy. Tamontaka 1, Cotabato City nito lamang ika-7 ng Disyembre 2023.
Ayon sa ulat ay nakatanggap ng impormasyon na kahon-kahong smuggled cigarettes ang ibiniyahe sa lugar at kaagad naman itong tinungo upang beripikahin ng Cotabato City Police Station 3, Regional Drug Enforcement Unit- Regional Special Operations Group /CTU PRO BAR na humantong sa pagkakadiskubre ng 17 kahon ng smuggled cigarettes na inabandona at nakabalot sa itim na plastic na tinatayang nagkakahalaga ng Php500,000.
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
Panulat ni Patrolaman Mark Vincent Valencia