Nakumpiska ng Caraga PNP ang nasa Php500,000 halaga ng pekeng pera at naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang Checkpoint Operation ng Agusan del Norte PNP sa National Highway, Brgy. Triagulo, Nasipit, Agusan del Norte nito lamang Martes, Setyembre 27, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., Police Regional Office 13, ang dalawang naaresto na sina Robert Paglinawan Daplas, 40, fish vendor, residente ng Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte at Milagros Eresari Aday, 41, businesswoman, residente ng Brgy. San Isidro, Gigaquit, Surigao del Norte.
Ayon kay PBGen Caramat Jr, bandang 5:45 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Nasipit Municipal Police Station sa biktimang si Angel Mae Ruiz Amper na humihingi ng tulong tungkol sa pekeng pera na ibinayad ng dalawang naaresto para sa 4-kilos ng lechong baboy na nangyari malapit sa Cockfighting Arena, Brgy Triangulo, Nasipit, Agusan del Norte.
Agad nagsagawa ng Checkpoint Operation ang Nasipit PNP na nagresulta sa pagkadakip ng dalawang suspek at narekober ang anim na bundle ng pekeng pera na may 500 pirasong pekeng Php1000 bill na tinatayang nagkakahalaga ng Php500,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 (Illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instrument of credit) at paglabag sa Article 315 (Estafa or swindling).
“Swindling can disastrously give adverse impact and trauma to victims of it. The arrest of these two suspects would serve as a warning to all individuals transacting counterfeit money,” pahayag ni PBGen Caramat Jr.
Source: Agusan del Norte Police Provincial Office
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13