Nasabat ng mga awtoridad ang Php5.6 milyong halaga ng shabu mula sa High Value Individual na suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cebu City Police Office sa Sitio Dumpsite, Barangay Inayawan, Cebu City, noong ika-4 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Colonel Antonietto Y Cañete, City Director ng Cebu City Police Office, ang suspek na si “Renz”, 29 anyos, residente ng Spolarium Street, Barangay Duljo-Fatima, Cebu City.
Bandang 11:45 ng gabi ng ikinasa ng mga operatiba ang nasabing buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkakumpiska ng 31 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 825 gramo at may Standard Drug Price na Php5,610,000, buy-bust money, at isang eco bag.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang kapulisan ng Cebu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga at anumang uri ng kriminalidad. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang anumang uri ng kriminalidad upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR