Cebu City – Nasabat ng Regional Police Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 7 ang tinatayang Php5.1 milyong halaga ng shabu sa pinaigting na kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga sa buy-bust operation na isinagawa sa Rainbow Village, Brgy. Kinasang-an, Cebu City bandang 8:00 ng gabi noong Oktubre 24, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng PRO 7, ang suspek na si alyas “Onix”, 42, nakatala bilang High Value Individual.
Narekober mula sa suspek ang pinaghihinalaang shabu na may timbang na 750 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php5,100,000, sling bag at buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri at pinasalamatan ni PBGen Aberin ang mga operatiba sa likod ng matagumpay na operasyon, “Aligned with PNP’s 5-Focused Agenda and the BIDA Program, I congratulate the operating unit on the conduct of a successful buy-bust operation in Cebu City. With a highly motivated and competent police force, our efforts to get rid of illegal drugs in the region will have consistent impactful results.”