Iloilo – Nasabat ng Calinog PNP ang mahigit sa Php4 milyong halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa Poblacion Delgado, Calinog, Iloilo, bandang 8:30 nitong gabi, ika-12 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Major Myles Dieron, Hepe ng Calinog Municipal Police Station, ang lalaking suspek na si alyas “Jom”.
Si alyas Jom ay naaresto matapos makuhanan ng apat na pakete at 22 knot tied plastic sachet na parehong naglalaman ng pinaniniwalang shabu na may bigat na humigit-kumulang na 600 gramo at may halagang Php4,080,000.
Kabilang din sa mga narekober ang buy-bust money na ginamit sa operasyan na nagkakahalaga ng Php25,000.
Nahaharap ang suapek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon ay bunga ng pinaigting at mahusay na pagsasakatuparan ng kapulisan ng PRO6 sa kampanya laban sa ilegal na droga.