Tinatayang nasa Php4,000,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga otoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-9 ng Marso 2024.
Ayon kay Police Colonel Freddie Lazona, Kalinga Police Provincial Director, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng Tinglayan MPS, Pasil MPS, Drug Enforcement Unit/Police Intervention Unit KPPO, 1st Kalinga PMFC at Tanudan MPS, at mga tauhan ng Kalinga PPO.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 2,000 square meters at may tanim na humigit kumulang 20,000 fully grown marijuana plants na may tinatayang Standard Drug Price na Php4,000,000.
Binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana sa mismong lugar ng plantasyon at kumuha ng sapat na sample upang isumite sa Provincial Forensic Unit Kalinga para sa qualitative test.
Patuloy ang Pambansang Pulisya at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang makamit ang inaasam na maging drug-free ang ating bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Melanie Amoyong