Southern Police District — Tinatayang nasa Php497,760 halaga ng shabu ang nakumpiska ng Southern Police District sa Muntinlupa at Taguig City nito lamang Abril 25 at Abril 26, 2022.
Ayon kay Southern Police District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg, dakong 11:00 ng gabi naaresto ang dalawang suspek sa PNR Site Purok 2, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City sa buy-bust ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa CPS.
Kinilala ni PBGen Macaraeg, ang mga suspek na sina Annrick Sarsonas y Pardillio alyas “Tonton”, 25, at Wen Wright Conde y Masapequeña, 28.
Nasamsam sa kanila ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet at one-knot tied transparent plastic na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 50 gramo at nagkakahalaga ng Php340,000, isang light blue skin workz derma set box, at isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, sa Taguig City naman, dakong 3:00 ng madaling araw ng Martes Abril 26, 2022, nahuli ang suspek na si Aldrin Gabriel y Concepcion, 53, sa Blk 34, Lot 3A, Brgy. North Signal ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station.
Narekober naman sa kanya ang 23 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 23.2 gramo at nagkakahalaga ng Php157,760.
Mahaharap ng mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang SPD ay magpapatuloy sa mga operasyon upang puksain ang lahat ng uri ng ilegal na droga gayundin ang lahat ng uri ng kriminalidad upang tayo ay magkaroon ng malinis at payapang pamayanan. Aking binabati ang ating mga pulis sa kanilang taimtim na pagtupad ng kanilang tungkulin,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos