Pampanga – Tinatayang Php489,600 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operation ng Magalang PNP sa Brgy. San Francisco, Magalang, Pampanga nito lamang Sabado, ika-07 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romeo Castro, Acting Chief of Police ng Magalang Municipal Police Station, ang isang drug personality na si alyas “Maynard”, isang High Value Individual.
Naaresto ang suspek bandang 11:30 ng umaga na nagresulta ng pagkakasabat sa hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php489,600 na may timbang na 72 gramo, isang Php1,000 bill bilang marked money at isang coin purse.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kalabosong suspek.
Sinisiguro ng Magalang PNP ang kanilang mahigpit na pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Source: Police Regional Office 3
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera