Sunday, May 25, 2025

Php476K halaga ng shabu nasamsam ng GenSan PNP; SLI tiklo

General Santos City – Tinatayang Php476,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Purok 6 Malayang Nayon, Brgy. Mabuhay, General Santos City nito lamang ika-5 ng Oktubre 2023.

Sa ulat na natanggap ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Officel 12, bandang 6:12 ng umaga nang isagawa ng mga operatiba ng Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 12 at General Santos City Police Station 9 laban sa kinilalang suspek na si alyas “Roden”, na itinuturing na Street Level Individual.

Nang tanggapin ni Roden ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 70 gramo ng hinihinalaang shabu na tinatayang nasa Php476,000 ang halaga, Php2,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, boodle money, isang yunit ng Cal. 38 revolver na may kasamang limang bala , isang yunit ng motorsiklo at iba pang non-drug item.

Paalala naman ng GenSan PNP sa mga pilit na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan na kanilang pananagutin at kakasuhan ayon sa ipinatutupad na batas.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles