Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City – Kumpiskado ang nasa kalahating-milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Caraga PNP at PDEA na nagresulta ng pagkaaresto ng dalawang suspek nito lamang Martes, Hulyo 5, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang dalawang nadakip na sina Clint Mollida alyas “Dodong”, 27, residente ng Purok 4, Brgy. Ampayon, Butuan City na isang High Value Individual at si Mark Anthony Cuyag, 35, residente ng Purok Sampaguita, Brgy. Central, Placer, Surigao del Norte.
Ayon kay PBGen Caramat, bandang 9:48 ng gabi nang maaresto si Mollida sa kanyang tirahan ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 13, Regional Intelligence Division 13, Butuan City Police Office kung saan narekober ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php136,000, Php22,000 na cash at cellphone.
Samantala, naaresto rin sa parehong operasyon si Cuyag, 12:10 ng hating-gabi ng sumunod na araw sa mismong tinitirhan nito ng mga operatiba ng Placer Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit ng Dinagat at Surigao del Norte katuwang ang PDEA Surigao del Norte. Nakumpiska kay Cuyag ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php340,000 at drug paraphernalia.
May kabuuang 70 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad na tinatayang nagkakahalaga ng Php476,000.
“Charges for violation of Republic Act 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 are being filed by our operatives against these suspects. Those selling illegal drugs will only complicate your life as our operatives in Caraga are relentless in their intelligence in catching these peddlers”, pahayag ni PBGen Caramat.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13