Nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng ParaƱaque City Police Station Drug Enforcement Unit mula sa isang High Value Individual (HVI) kasama ang apat na Street Level Individuals (SLIs) sa M. Rodriguez Street, Barangay La Huerta nito lamang Linggo, Abril 6, 2025.

Kinilala ni SPD Director PBGen Joseph R. Arguelles, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ramil,” 54-anyos, fish vendor, isang High Value Individual, kasama ang apat na Street Level Individuals na sina alyas “Judy,” “Jayson,” “Ginalyn,” at “Raquel.”
Nakumpiska ng pulisya mula sa mga suspek ang humigit-kumulang Php476,320 halaga ng hinihinalang shabu, marked money, cellphone, at mga drug paraphernalia.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri ni SPD Director Arguelles, ang operatiba sa kanilang mabilis at epektibong aksyon laban sa ilegal na droga. Hinihikayat din ang publiko na mag-ulat ng kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Gargantos, RM