Sunday, November 17, 2024

Php476K halaga ng shabu nakumpiska ng Pasig PNP; HVI arestado

Pasig City — Umabot sa Php476,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Pasig City Police Station sa isang lalaki na tinaguriang High Value Individual nito lamang Miyerkules, ika-22 ng Hunyo 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Wilson Asueta, District Director ng Eastern Police District, ang suspek na si alyas “Moy”, 25, at residente ng Sta. Ana Kaliwa, Pateros.

Ayon kay PBGen Asueta, nadakip si alyas “Moy” bandang 6:30 ng gabi sa kahabaan ng M. Conception Ave, San Joaquin, Pasig City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Pasig CPS.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa 70 gramo na nagkakahalaga ng Php476,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 (Pagbebenta), 11 (Pagmamay-ari) Art. II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.        

Pinuri naman ni PBGen Asueta ang mga operatiba ng distrito para sa kanilang huwarang tagumpay na nagdulot ng panibagong papuri sa Eastern Police District, aniya, “Ang matagumpay na operasyon na ito ang isa sa mga magsisilbing daan tungo sa pagkamit ng ating mga mithiin na magkaroon ng mas ligtas na lugar para sa trabaho at negosyo. Hindi tayo magbubulag-bulagan sa alinman sa mga kriminalidad at operasyon ng ilegal na droga sa ating komunidad. Tinitiyak namin na ang mga suspek ay kakasuhan alinsunod sa tuntunin ng batas.”

Source: EPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles