Nakumpiska nag Php476,000 na halaga ng shabu sa isang lalake sa isinagawang drug buy-bust operation ng Pagadian City Municipal Police Station kasama ang RID9, 902nd MC at PDEU-ZSPPO sa Purok Bahada, Barangay Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang ika-23 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilzen Niño R Manese, Chief of Police ng Pagadian CPS, ang naarestong suspek na isang lalake, 20, at residente ng Purok 2, Barangay Labo, Aloran, Misamis Occidental.
Nakumpiska sa suspek ang anim na pirasong plastik na hinihinalang shabu na may timbang na 70 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php476,000, isang Huawei Android cellular phone, isang aluminum foil, dalawang piraso na walang laman na box ng cigarette ng San Marino at Delta brand na ginagamit na lalagyan ng hinihilalang shabu, isang bagpack, isang ecobag, at isang piraso ng Php1,000 na totoong pera na may serial number na AK645751 kasama ang siyam na piraso ng Php1,000 bill na boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng PNP alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa ligtas, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Kaye Francisco