Arestado ang isang High Value Individual na suspek matapos mahulihan ng Php476,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan ng Cebu City sa Sitio Bato, Barangay Ermita, Cebu City, noong ika-13 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Ronel A Royo, Station Commander ng Police Station 5, Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Deloy”, 24-anyos, at residente ng naturang lugar.
Bandang 3:05 ng madaling araw ng ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakasabat ng 14 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 70 gramo at may Standard Drug Price na Php476,000, buy-bust money, at coin purse.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Cebu City PNP sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, kasabay ng suporta ng komunidad upang makamit ang isang ligtas at maayos na Bagong Pilipinas.
Source: PS 5 SR