Angeles City – Kalaboso ang isang High Value Individual (HVI) matapos mahulihan ng tinatayang Php476,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation ng Angeles City PNP sa Brgy. Santa Trinidad, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Oktubre 2023.
kinilala ni Police Colonel Amado Mendoza, City Director ng Angeles City Police Office, ang drug personality na si alyas “Lou”, 37, residente ng Brgy. Capaya Dos, Angeles City.
Naaresto ang suspek bandang 6:30 ng gabi na nagresulta ng pagkakasabat sa hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php476,000 na may timbang na 70 gramo at non-drug items.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kalabosong suspek.
Paalala ng Angeles City PNP sa mga pilit na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan na kanilang pananagutin at kakasuhan ayon sa ipinatutupad na batas.
Source: Angeles City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera