Eastern Police District, Pasig City — Tinatayang Php476,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Eastern Police District nito lamang Agosto 8-9, 2022.
Kinilala ni PMGen Felipe R Natividad, RD, NCRPO ang apat na suspek na sina Robin Depalubos y Borja alyas “Robin”, Andres Rodolfo Garcia y Adiao alyas “Andoy”, Andrew So y Alcober alyas “Andrew” at Karl Rodriguez y Dela Cruz alyas “Boss”.
Ayon kay PMGen Natividad, umabot sa apat na oras ang nasabing operasyon, mula 10:15 ng gabi hanggang 2:00 ng madaling araw kung saan nahuli ng mga suspek sa kahabaan ng bahagi ng Brgy. Parang, Marikina City at Brgy. Bambang, Pasig City.
Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu at may Standard Drug Price na Php476,000.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PMGen Natividad ang mga tauhan ng Eastern Police District sa walang patid na pagsisikap at dedikasyon sa pagpuksa sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga sa kanilang nasasakupan. Ani pa nya, “Hindi tayo titigil at mapapagod na sugpuin ang laganap na paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga, bente-kwatro oras na nakaalerto ang pulisya para sa kapakanan ng karamihan.”
Source: PIO_NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos