Nakumpiska ang Php476,000 halaga ng iligal na droga sa dalawang naarestong High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Laguna Police Provincial Office at Bay Municipal Police Station sa Barangay San Antonio, Bay, Laguna nito lamang Linggo, ika-16 ng Pebrero, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang mga suspek na sina alyas “Erwin”, 41 taong gulang at alyas “Cristina”, 34 taong gulang at pawang mga residente ng Barangay Pagsawitan, Santa Cruz, Laguna.
Bandang 10:14 ng gabi nang ikinasa ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkakasabat ng isang maliit na plastic sachet at isang knot-tied transparent plastic na hinihinalang shabu na may timbang na 70 gramo na nagkakahalaga ng Php476,000 at buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinupuri naman ni PBGen Lucas ang Drug Enforcement Unit ng Laguna Police Provincial Office at Bay Municipal Police Station sa kanilang kahusayan. Ang operasyon na ito ay nagsisilbing malinaw na mensahe na kami ay nakatuon sa pag-aalis ng mga kriminal na gawain lalo na ang paglaganap ng iligal na droga at pagprotekta sa ating mga komunidad,” aniya.