Southern Police District — Tinatayang Php476,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust ng mga operatiba ng Muntinlupa, Parañaque at Taguig City nito lamang Linggo, Abril 3, 2022.
Ayon kay PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng SPD, bandang 8:55 ng gabi nang maaresto ang dalawang suspek sa Magdaong Drive Brgy. Poblacion, Muntinlupa City ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station.
Kinilala ni PBGen Macaraeg, ang mga suspek na sina Joseph Smith y Navarro alyas “Jr”, 35, tricycle driver at Rolando De Mesa Jr y Tamesa, 38.
Nakumpiska sa kanila ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na anim na gramo at tinatayang Php40,800 ang halaga, at dalawang daang piso na ginamit bilang buy-bust money.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, sa Parañaque City bandang 10:30 ng gabi, timbog ang mga suspek na sina Angelo Amarante Ruperto alyas “Dong”, 19, at Vivien Abiada Tiania, 43, sa Tamborong St., Tramo 2, Brgy. San Dionisio, Parañaque City sa pinagsanib pwersa ng SDEU at Police Sub-Station 4 ng Parañaque City Police Station.
Nakumpiska sa mga suspek ang 12 small size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo at may Standard Drug Price na Php340,000, Php500 na ginamit bilang buy-bust money kalakip pa nito ang Php1,000 at isang black coin purse.
Dagdag pa ni General Macaraeg, nasakote naman ng Station Drug Enforcement Unit at Mobile Patrol Unit si Fauzia Lazaro y Abdullah alyas “Fauzia”, 56, vendor sa Jolo St., Brgy. Maharlika Village, Taguig City dakong 10:50 ng gabi.
Narekober kay Lazaro ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 14 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng Php95,200, Php300 na ginamit bilang buy-bust money at isang pink coin purse.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.
“Sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, ang ating mga pulis ay patuloy na magtatrabaho at hindi titigil sa pagsasagawa ng operasyon upang puksain ang ating suliranin hinggil sa ilegal na droga. Makakaasa po kayo na mas lalo pa naming palalawigin ang aming programa at muli, hinihikayat ko ang suporta ng ating mga kababayan sa ating laban at sama-sama nating mapagtagumpayan ang ating adbokasiya na iwaksi ang salot ng ating lipunan”, ani ni PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Great job saludo tayo s mga alagad ng batas