Indanan, Sulu – Nakumpiska ng Indanan PNP ang 36 kahon ng smuggled na sigarilyo na may tinatayang halaga na Php460,800 sa Sitio BJ. Brgy. Buansa, Indanan, Sulu noong Hunyo, 24 2022.
Ayon kay PMaj. Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station, habang nagpapatrolya ang mga tauhan nito ay may nakita silang kahon-kahong smuggled na sigarilyo na pinaniniwalaang iniwan matapos makita ang mga nagpapatrolyang pulis sa Brgy, Buansa, Indanan, Sulu.
Samantala, patuloy na inaalam kung sino ang nag-iwan ng mga kahon-kahong smuggled na sigarilyo.
Pansamantala munang dinala ang mga smuggled na sigarilyo sa Indanan MPS para sa dokumentasyon.
Mas lalo pang hihigpitan ng Indanan MPS ang pagpapatrolya sa lugar ng sa gayon ay wala ng kahit anong kontrabando ang makapasok sa lugar.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia